FlyForHero Forums - A Flyff Private Server  

Go Back   FlyForHero Forums - A Flyff Private Server > General > Old Threads

Closed Thread
 
Thread Tools Display Modes
  #1  
Old 07-21-2010, 12:36 PM
DarkzEro's Avatar
DarkzEro DarkzEro is offline
Master
 
Join Date: May 2010
Location: Palawan, Philippines
Posts: 53
DarkzEro is on a distinguished road
Post kapangyarihan ng wika

Filipino Bilang Wikang Akademiko

Ang maling Pagtingin sa Wikang Filipino
Matagal na nating ginagamit ang wikang filipino, hindi ngalang natin ito gaanong ginagamit bilang midyum sa mga akademiko at teknikal na usapin. Bunga na rin ng edukasyong kanluranin, kailangan pa nating patunayan na kaya nitong maging midyum sa talastasang akademiko. Ayon kay Zeus Salazar, ang paggamit ng wikang filipino ay patunay lamang ng kasapatan sa mga nangangailangan nito, dahil dito nagsimula ang pagdududa sa kakayahan ng ating wika at dahil dito ang pagkakaroon ng kaalaman sa Ingles ay itinuturing na karunungan. Maaari ring batayang pang-ekonomiya ang bagay na ito sapagkat kung gusto mong matutong mag-Ingles ay kailangan mo pang magbayad kumpara sa ating wika na nagmumukhang walang class sapagkat hindi mo na kailangang mag-aral upang matutunan ito. Hindi na natin kailangang tanungin ang ating sarili kung may tiwala at pagtanggap tayo sa sarili nating wika at kung ibabaling pa natin sa karanasang kolonyal ay talagang walang mangyayari.


Paraan ng paglinang ng wikang akademiko

Nakabatay sa kapasidad ng pagpapayaman ng wika sa kakayahan nitong kumatawan sa mga karanasang luwal sa lipunan tulad ng, lumikha ng salita sa mga dayuhang salita, manghiram,magbanyuhay at umangkin ng bagong salita at kaalaman. Marami na ring pananaliksik ang nagtala sa bisa ng wikang filipino sa pagtuturo at napatunayan na nakakakuha ng mataas na marka ang mga mag-aaral na gumagamit ng wikang filipino. Sa karanasan ng mga guro, nakita nila ang bilis at pagkatuto at pagsasalin sa praktika ng aktwal na ibinabahagi ng ating wika. Ayon kay Salazar, mainam na tangggapin ang wikang Filipino at pag-ukulan ng ng sikap ang pagpapayaman nito.


Mga kailanganin sa paglinang ng Filipino

Sa pagpapatuloy ng mga usapin, lumalabas na walang ibang daan kundi ang patuloy na paggamit ng ating wika. Mahalagang ipatupad ng saligang batas ang paggamit ng wikang Filipino upang lalo itong mapaunlad at mapagyaman. Kailangang kilalanin natin nang pantay ang kakayahan ng wika bilang pantay na pagkilala at halaga ng kultura at karanasang panlipunang nagbigay-daan sa paglinang ng mga wikang ito. May kakayahan ang wikang Filipino na maging midyum ng talastasan basta bigyan natin ng pagkakataong ipahayag ng ating wika ang kanyang kaalamang kumakatawan sa yaman ng karanasan at kaalamang iniluluwal ng lipunang Pilipino.

Pagpaplanong Pangwika, Elaborasyon at intelektwalisasyon

Ang mga suliranin kaugnay sa wika ay kailangang hanapan ng lunas sa pamamagitan ng pagpaplanong pangwika. Kaugnay nito ang elaborasyon na konsepto ng pagpaplanong pangwika sa tumutukoy sa proseso ng pag-unlad at pagbabago ng istraktura at gamit ng wika. Ang probisyong pang wika sa ating konstitusyon ang nagtatakda ng pangangailangang patuloy na paunlarin at payabungin ang ating wikang pambansa na tinatawag na proseso ng intelektwalisasyon ng wikang Filipino. Ngunit ang wikang Filipino ay kailangang gamitin bilang midyum ng pagtuturo at pagkatuto sa lahat ng antas ng pag-aaral. Katwiran din ng mga ibang edukador na ang wikang Filipino ay dapat Intelektwalisado bago magamit bilang midyum. Ang proseso ng intelektwalisasyon ay matagal nang napasimulan at ang lahat ng posibleng kaparaanan ay dapat tuklasin at isagawa.
__________________
"Live for me i'll Die for you"
Closed Thread

Thread Tools
Display Modes

Posting Rules
You may not post new threads
You may not post replies
You may not post attachments
You may not edit your posts

BB code is On
Smilies are On
[IMG] code is On
HTML code is Off

Forum Jump


All times are GMT. The time now is 02:23 PM.


Copyright FlyForHero 2009 - 2012. All rights reserved.